"Ano ang kaibahan ng fairy tale sa SONA? Ang fairy tale ay kuwentong hindi totoo na may dwende. Ang SONA naman ay may dwendeng nagkukwento ng hindi totoo."
--from a text message I received today--


Masasalamin sa text message na ito na kumakalat ngayon kung gaano kadismayado ang masang Pilipino sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bilang Presidente ng Republika ng Pilipinas. Hindi na ito pangkaraniwan. Simula't sapul ay hindi nagustuhan ng nakararaming sambayanang Pilipino ang pag-agaw sa kapangyarihan ni Gloria mula kay dating Pangulong Joseph Estrada. She was NOT elected by the people since 2001-2004. Nung nagkaroon ng presidential elections nung 2004, it was tainted by the "Hello Garci" scandal kung saan si Gloria ay pinaratangang nakipag-usap kay COMELEC Commissioner Garcillano upang manipulahin yong boto ng mga tao. Iba't ibang iskandalusong pangyayari ang yumanig sa administrasyong Arroyo simula nung siya ay naging Pangulo ng bansa.