A(H1N1). Influenza. Swine Flu. Whatever you call it. Ang Pilipinas ang kauna-unahang bansa sa buong Asya na nakapagtala ng kaso ng namatay dahil sa virus na ito. Talaga nga naman oo. Pilipinas na naman ang nanguna. Negative pa.
Sino nga ba ang takot? Mukhang wala naman yata lalo na sa pangkaraniwang Pilipino. Sa ibang bansa tulad ng Mexico at Estados Unidos, makikita mo na ang mga tao ay nakasuot ng protective masks pag nagpupunta sa matataong lugar. Ung iba e may latex gloves pa. Sosyal ika nga. Eh dito, wala. Kung may makita ka man ay mangilan-ngilan lang. Siguro sa mga international airports, dun ka makakakita ng mga nakamasks.
Sa dami ba namang pinoproblema ng mga Pinoy, poproblemahin pa ba ang swine flu na ito? Andyan si Feria, ang bagyong sumasalanta sa ating bansa lalo na sa Visayas area. Nandyan din ang CHA-CHA na hindi pahuhuli. Gagasto ang ating mga kagalang-galangang kongresista para sa mga sesyon para lang baguhin ang ating Konstitusyon samantalang maraming karaniwang Pinoy ang naghihirap at nagugutom. Kitams?
Tama na ang CHa-Cha, going back to this pandemic, dapat ugaliing maghugas ng kamay bago at pagkatapos kumain. Gumamit ng sanitizer. Hehehe. Sosyal. At takpan ang mukha, este, ang bibig at ilong pag sumisinga (at pag may sumisinga na kalapit na tao). Baka mamaya may H1N1virus na pala siya. Magvitamins and observe proper hygiene. At higit sa lahat, PRAY THAT GOD WILL KEEP YOU SAFE ALWAYS, AND PRAY THAT THIS VIRUS WOULD NOT AFFLICT YOU AT ANY TIME.
WHO IS AFRAID OF SWINE FLU?
on Friday, June 26, 2009
Labels:
Charter Change,
Leyte,
Marlon Raquel,
Swine Flu,
Tabontabon