BYE, BYE, BYE NPC: SAYS CHIZ

Shocked--ito na marahil ang masasabi ko sa naramdaman at naging reaksyon ng mga miyembro ng Nationalist People's Coalition na pinamumunuan ni Danding Cojuangco nung biglaang i-announce ni Senator Escudero ngayong araw na ito ang resignation niya bilang kasapi ng partido sa Club Pilipino sa San Juan City.


Narito ang sinabi niya. Galing mismo ito sa official website ng senador. Para sa buong script ng speech, paki-click ito.


"Hayaan niyo pong patunayan ko yan sa araw na ito. Nais ko pong ipabatid na ako po ay nagpaalam na at nagresign na bilang miyembro ng Nationalist People's Coalition o NPC."


Tatlong rason ang ibinigay ng senador kung bakit niya nilisan ang partido. (1) "Una, sino man po ang nagpapaplanong tumakbo bilang pangulo, dapat wala pong partidong kinabibilangan --NPC, LP , NP, Lakas o ano pa man." (2) "Pangalawang rason, sino mang tumatakbo, o tatakbo o magiging pangulo ng ating bansa, hindi po pwedeng nakakadena ang kamay at paa sa partido." (3) Pangatlo po at higit sa lahat, ako'y lumilisan sa aking partido dahil naniniwala po ako na mas matatanaw ko ang dapat kong gawin at papel na dapat kong gampanan kaugnay sa darating na halalan."





Photo taken from Sen. Escudero's Official Website


Sa tatlong rason na ibinigay ng senador, iisa ang nakikita kong pagsusuma dito. Maaaring dinidiktahan ang senador ng partido o nang mga nakataas na opisyal ng partido sa kung ano ang dapat niyang gawin sa mga pulitikal na desisyon, lalong lalo na sa darating na eleksyon. Hindi siya siguro makakilos at pakiramdam niya ay hindi siya malaya. Maganda ang layunin ng senador. Ngunit ang tanong ko ay meron bang kandidatato sa pagkapangulo ng bansa na mananalo kung wala siyang kinaanibang partido? May mga recent developments ngayon sa loob mismo ng NPC na maaaring nag-trigger sa senador na lisanin ang partido. Abangan na lang natin sa mga susunod na araw ang mga maaari pang mangyari. Alam nyo naman na sa mundo ng pulitika, any thing can happen.


Mahirap ang naging desisyon ni Sen. Escudero ngunit hindi siya mangangahas na gawin yon kung hindi niya alam ang maaaring maging kahinatnan niyon.
======================================================================
NEXT ARTICLE:

WONDERING