WONDERING

Sunday, October 25, 2009


Binyag ng pamangkin ko. Pumunta ako sa Cavite kasama ng ilang kaibigan ko para umattend sa nasabing okasyon. Ako at ang isa kong kaibigan ay mga ninong. Hindi ko alam pero masama ang pakiramdam ko sa araw na yon. Para akong lalagnatin. Kulang ng lakas ang katawan ko. 9:30 ng umaga nagsimula ang misa. Biniyagan nga pala pamangkin ko sa Katolikong simbahan. Natapos ang misa ng mag-aalas onse na. Hindi naman talaga ako umattend ng misa kasi sa loob ng tricycle lang ako nag-stay. Nakatulog nga ako dun. Ang dami palang ninong at ninang ng pamangkin ko. Nagbigay ako at ang kaibigan ko ng tig-500 pesos sa kuya mo. Pakimkim ang tawag dun. Parang unang regalo sa inaanak namin.


Ang daming tao sa bahay. Tumulong ako sa paghahanda ng pagkain sa hapag. Sarap na sarap yong mga tao sa pagkain nguni't ako ay parang walang gana. Hindi ako makakain. Para akong busog na hindi naman. Makalipas ang isang oras, namalayan ko na lang ang aking sarili na nakahiga sa loob ng kwarto ng bahay namin habang ang iba ay abala sa videoke sa labas at ang iba naman ay kumakain. Gustong -gusto ko talagang matulog sa mga sandaling yon. Sinabi ko sa kuya ko na masama ang pakiramdam ko. Binigyan niya ko ng Biogesic. Nakatulog ako ng isang oras.


Nagyaya na rin ang mga kaibigan ko na umuwi na. Kaya't nagpaalam na kami sa kuya ko at sa asawa niya. Masama pa din pakiramdam ko hanggang sa kami ay makauwi na ng bahay sa Bicutan. Sa Bicutan ako nakatira ngayon. Once or twice a month lang ako nauwi sa Cavite. Malayo kasi. Pagdating ko ng bahay, agad akong nahiga. Binuksan ko muna yong laptop ko at nakinig ng mga kanta ng Tunog Kalye. Nakaramdam ako ng pagkaihi. Nagpunta ako sa CR. Nagulat ako sa aking nasaksihan. Isang bagay na hinding-hindi ko makakalimutan. Sa aking na lang yon kung ano man yon.
=====================================================================
NEXT ARTICLE:

CALL CENTER SPOOFS