Sent to my inbox

**Ganito ka ba manligaw?
**Ganito ba sya manligaw?
**Ikaw lang nakakaalam nyan..

YO GIRLS!! ETO BA ANG KLASE NG MGA MANLILIGAW MO…???

Mr. Gwapings

mayaman, gwapo, kilala at higit sa lahat may wheels. mataas ang confidence nya na di sya mababasted kaya pag nabasted maaapektuhan ng husto ang kanyang EGO. at take note, malas mo kung may sour grape attitude pa yan. pwede nyang sabihin “sus kala mo kung sinong maganda eh pinagtyatyagaan ko lang naman sya

Mr. Quickie

ang type ng manliligaw na kada magkikita kayo e wala nang alam sabihin kundi “kelan mo ba ko sasagutin?” o kaya “i love you na, ako ba hindi mo pa love?” kahit na isang linggo pa lang naman syang pumoporma. kung baga dinadaan nya sa pangungulit para mabilis ang pagsagot mo.

Mr. Everything

linya nya ang “sagutin mo lang ako, ibibigay ko sayo lahat, lahat ng magugustuhan mo. kahit pa ang buwan o kaya mundo.”gaga ka pag nagpauto

ka. dahil pag sinagot mo na yan, makakalimutan na nya ang linyang yan!

Mr. Stalker

eto yung type ng manliligaw na pag nagkahiwalay kayo e sisimulan ka sa tanong na “kumain ka na ba?” pagkasagot mo susundan pa nya ulit ng tanong “nasan ka ngayon?” “sinong kasama mo?” “anong ginagawa mo?” at kung anu-ano pa. basta tungkol sa daily activities mo kailangan malaman nya, pero ang nakakatakot na parte dyan eh yung kahit hindi mo sagutin ang mga tanong nya na iyon ay nalalaman pa din nya, mukhang may matinding “source” ang gago na pinagkukunan ng impormasyon tungkol sa’yo kaya nasusundan ka na nya kahit saan ka magpunta, kadalasan humahantong ang tagpong ito sa rape dahil hindi na nya talaga mapigilan ang nararamdaman nyang nag-aalab!! kaya mag-ingat ka sa mga pinagkakatiwalaan, baka kasi ilaglag ka ng mga kakilala mo di’ba? at mabigyan nila ng impormasyon tungkol sa’yo ang damuhong lalake na yon, di mo na kasi masasabi sa panahon ngayon kung sino talaga ang kakampi mo, ANG DAMING PLASTIK SA PANAHONG ITO!! Sino nga ba ang mga taong posible mong pagbintangan?? pwedeng kapit-bahay mo, kaibigan mo, mga AMIGA at kalaro ng nanay mo sa mahjong, ka-tong-itsan mo, tindero ng mais sa tapat ng bahay nyo, mailman na palaging nagbibigay ng mga sulat galing sa “stalker” mo pero lingid sa kaalaman mo s’ya na pala si mr. Stalker, tindero ng balot (pero sya na pala yon! haha!), ahente ng meralco na madalas maningil kahit nakapagbayad ka na, yung palaging sumisigaw sa tapat ng bahay nyo tuwing umaga at hapon nang “NAGAWA NG PAYONG… NAGAWA NG PAYONG..” ABA MAS MATAKOT KA KUNG ANG SINISIGAW NYA… “NAGAWA NG BATA… NAGAWA NG BATA!!”, minsan mga close friends mo pa, at maging ang mga magulang mo kung boto sila sa damuhong lalake na yan at kahit i-istalk ka pa ng WALANGYA eh ayos lang sa kanila Malay nila at Pake ba nila “MA at PA” nga talaga sila, well “LITERALLY” haha! at wala silang kibo basta may pasalubong lagi para sa kanila na hopiang munggo ATBP., pwede ring mga tambay, ka-chat, ka-text, ka-bluetoothan, kamag-anak, pinsan, pamangkin, kinakapatid, inaanak, kumare, kumpare, ninong, ninang, bayaw, biyenan, bilas, tiyuhin, tiyahin, lolo, lola, lelong, lelang, apo, apo sa tuhod, apo sa talampakan, apo sa alak-alakan, ate, kuya, yaya, maid, cook, tubero pls. call 843-82-31.


Mr. Take it or Leave it

pag binasted mo ang ganitong type ng manliligaw, asahan mo bukas may nililigawan na sya ulit. at eto pa, hinding hindi ka nya papansinin. period.



Mr. Salesman
dadaanin ka sa matatamis na salita. parang si Mr. Everything din kaya lang mas

matindi sya mang-uto. KUNG BINEBENTAHAN KA NG BAHAY AT LUPA NYAN MALAMANG BUMILI KA NG LIMA “KAHIT BA NASA PASO PA EH” DAHIL SA GALING NYA SA “SALESTALK” puro bola nga ang gagawin ng tarantadong yan sa’yo.. yun bang tipong “ang ganda ganda talaga ng mga mata mo..” KAHIT DULENG KA NAMAN!! o kaya “ang lambot ng mga kamay mo, anong lotion ang gamit mo?” kahit yung kamay mo parang paa!! TAPOS BEBENTAHAN KA LANG PALA TALAGA NG LOTION ANO?? BWISET!! Eto ang grabe.. “KUNG MASAMA ANG MAHALIN KA.. MAGPAPAKASAMA AKO!!” HAHAHAHA!!! at iba pang pang-uuto mapasagot ka lang ng OO. HAHA!!!

Mr. Good Dog

eto ang nakakatuwang manliligaw. kase payag syang magpaalipin. taga-bitbit ng bag mo o kahit ng mga kaibigan mo. kahit magmuka syang buntot sa tuwing may gala kayo ng mga barkada mo. nagpapakitang gilas kung baga. pero pag sinagot mo na, for sure gaganti yan!! hala ka!!


Mr. Anonymous

motto nya ang “action speaks louder than words”. wala kang kaalam-alam na nanliligaw na pala. kaya pala ang bait-bait sayo. e akala mo mabait lang talaga. haha


Mr. Second Chance

sya ang pinakamasugid mong manliligaw. kahit 100 times mong sabihing ayaw mo sa kanya at wala na syang pag-asa ang sasabihin nya pa rin ay “please give me a second chance”


Mr. Romantiko

jologsang mga paraan nya sa panliligaw. manghaharana, pakikisamahan mga barkada mo, liligawan parents mo at kahit magmukha ng TINDAHAN NG BULAKLAK ANG BAHAY NYO AT MAGKA-DIABETES KA NA ay lagi pa din s’ya may dalang flowers and chocolates tuwing dadalaw sa’yo. pero madalas nakakapagpakilig s’ya ng nililigawan nya dahil sa kanyang ‘malinis na hangarin’ aww… siguraduhin mo lang!!! =)


Kaya para sa mga taong nanliligaw, nagbabalak manligaw, nililigawan, naliligaw, nag-hihintay maligawan at nagbabalak lumagay sa magulo:

Ang love ay hindi minamadali, hindi pinipilit at lalong hindi kina-career.. Aray ko!

Unang-una mga BOYS, PAANO MO BA NASABING MAHAL MO NA SIYA?

Dahil ba natutuwa ka sa kanya?

O kaya naman naaaliw ka?

Naswee-sweetan ka ba ng sobra sa kanya?

Kinikilig ka ba pag nakikita mo siya?

At naha-high kapag naririnig mo na ang boses niya?

Eh teka muna, baka naman na-IMPACHO ka lang ESTE…. INFATUATED ka lang o kaya naman kagaya nga ng sagot mo, BAKA naaaliw ka lang. Dahil kakaiba siya, may spark na hindi mo maintindihan.

TSK! Ang saklap nyan!…

PANGALAWA, GAANO MO NA BA SIYA KAKILALA???…

Madali ba siyang mapikon?

Pano ba siya mabadtrip?

Madali bang mahalata na may topak siya?

Ano bang suot niya pag nasa bahay siya?

Skirt, Shorts, o pantalon?

Naka “kikay look” ba siya o naka-t-shirt lang?

Matagal ba siyang maligo?

Kumakain ba siya ng vegetables?

Tamad ba siya?

Mas gusto ba niyang manood ng tv kaysa magbasa ng libro?

Nagp-PSP ba sya?

Tatlo ba ang pamangkin niyang lalaki? (ANONG KONEK?! LOL!!)

Makukulit ba yung mga kamag-anak niya?

Green ba ang kulay ng gate ng bahay nila? (ANO ULIT ANG KONEK?!!)

Sa village ba siya nakatira?

May sakayan ba ng jeep na malapit sa kanila?

Nagsisimba ba siya linggo-linggo?

Kasama ba yung pamilya niya?

At nagdadasal ba siya bago matulog???…

In short, alam mo na nga ba ang mga bagay-bagay? Ang mga simpleng bagay tungkol sa kanya, na nagdedetermine ng sarili niya. As in kung sino ba talaga SIYA.

Pangatlo, KAYA MO BA SIYANG TANGGAPIN?

As in TANGGAPIN ng buong-buo.

Sa lahat ng trip niya sa buhay

Sa lahat ng katopakan niya

Sa lahat ng pag-iinarte at pag-dadrama niya

Sa lahat ng kasalanang nagawa, ginawa, at gagawin pa lang niya

Sa lahat ng naiisip niya

Sa lahat ng sasabihin niya

Sa kilos niya

Sa pananamit pa pala niya

Sa pagsasalita

Sa pananaw niya sa buhay

Sa pagtrato niya sa tao

Sa lifestyle niya

Sa uri ng pamilyang meron siya

Sa uri ng kaibigang kasa-kasama niya

Sa style niya pagdating sa love

Sa kasweetan niyang natural

Sa paglalambing niya

Sa tawa niyang pagkalakas-lakas

Sa manners niya

Sa bisyo niya kung meron man

Sa mga pang-aasar niya sayo

Sa style niya pagdating sa pagsolve ng problema

Sa problemang maaari ka ring masama…

Pang-apat, KAYA MO BANG MAGING TOTOO?

Kaya mo bang makita yung sarili mo na kasama pa rin siya sa isang sitwasyong pag naisip mo eh mapapaiyak ka na lang sa sakit nang dahil din sa kanya?

Kaya mo bang magmukhang tanga as in umiyak ng dahil sa kababawan ibuhos ang mga nararamdaman mo kahit na puro kababawan nga lang naman as in kahit sa harapan niya?

Kaya mo bang maging barubal pag kasama mo siya? Yung tipo bang wala ka ng pakialam mawala man ang manners mo na wala ka naman talaga!!! jowc lang hahaha!!! ano sure ka na?!

In short,

KAYA MO BANG MAGING IKAW KAPAG KASAMA MO NA SIYA?

Yung tipong hindi ka nahihiyang ipakita kung sino ka talaga dahil alam mong HINDI MO LANG SIYA TANGGAP, TANGGAP KA RIN NIYA. BUONG-BUO RIN!!

MGA TAO! Tama na kasi ang trip. Tama na ang pagmamadali. Oo, masarap ngang mainvolve sa isang tao, pero diba mas masarap yun LALO NA KUNG ALAM MONG TOTOO YUNG NARARAMDAMAN MO. see what i’m sayin peeps?

NANLILIGAW KA BA TALAGA O NALILIGAW KA LANG NG LANDAS??!

BAKA KAILANGAN MO NG “DIRECTIONS” PAPUNTA SA PUSO NYA!!

NAKS NAMAN!! SINONG UULULIN MO?? HAHAHA!!!

IPAKITA MO MUNA SA KANYA NA MALINIS ANG INTENSYON MO AT KILALANIN MO

MUNA SIYANG MABUTI. ALAMIN MO ANG TUNAY NA NARARAMDAMAN MO, KASI PAG DI

KA NAMAN SIGURADO SA NARARAMDAMAN MO EH KAWAWA LANG SYA SAYO…..
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...