Hindi ako si Piolo Pacual, pero...

Hindi ako si Piolo Pascual, pero...
by: tembarom
http://www.peyups.com/article.khtml?sid=3481


Sa pelikulang Milan ko huling napanood si Piolo Pascual, kasama siyempre ang aking Lakambini. Kapag nababanggit ang artistang ito, naaalala ko ang isa sa mga unang gimik namin--nanood kami, kasama ang mga kaibigan, ng isang pelikulang bida si Piolo.

Sa pelikulang Milan ko huling napanood si Piolo Pascual, kasama siyempre ang aking Lakambini. Kapag nababanggit ang artistang ito, naaalala ko ang isa sa mga unang gimik namin--nanood kami, kasama ang mga kaibigan, ng isang pelikulang bida si Piolo.

Pero mula ngayon, kapag mababanggit si Piolo Pascual, maaala ko na rin ang isa sa mga pangarap namin ng aking Lakambini, at malamang ay mithiin din ninyong lahat: ang pagbangon ng bansang Pilipinas.

Malabo ba? Teka, explain ko. Kahapon kasi, nagsalita si Piolo sa malaking campaign rally ni Bro. Eddie Villanueva sa Luneta. Ginawa raw niya 'yun dahil may takot siya sa Diyos at naniniwala siyang kailangan na natin ng bagong gobyerno.

Di nga kasi, talagang kritikal na ang kalagayan ni Inang Bayan. Nalulunod na siya sa kumunoy ng kahirapan at katiwalian. Patuloy pa itong lumala dahil sa halip maghanap ng mga solusyon, busy ang kasalukuyang pamunuan sa pag-iintindi ng sarili nilang kinabukasang pulitikal. Marami tuloy sa ating mga kababayan ang naduruwag at lumilisan.

Sa gitna ng lahat ng ito, isang tao ang naglakas-loob na ialay ang sarili bilang lider na mangunguna sa pagbangon ng ating bayan.

Gaya ng marami, natawa at nagulat din ako nang magpahayag ng interes na kumandidato si Bro. Eddie Villanueva ng Bangon Pilipinas Party. Akala ko nga, nuisance candidate rin siya. Eh ano kung iniyakan ni Gloria ang pagbawi ng suporta ng lider na ito ng Jesus Is Lord Church?

Pero matapos kilatisin at kilalanin ang lahat ng mga kandidato sa pagkapangulo, unti-unti kong nakitang tulad ni Raul Roco, seryoso at napaka-qualified palang maging pangulo si Bro. Eddie.

Bilang isang lider ng Kabataang Makabayan sa Bulacan, walang takot niyang ipinaglaban ang karapatan ng mga mahihirap. Isa siya sa mga nanindigan laban sa mapaniil na batas militar. Hindi na nga niya natapos ang abogasya rito sa UP dahil nakorner siya ng militar.

Sinabi ni Jose Maria Sison sa isang panayam sa telepono na si Bro. Eddie ay isang mabuting kadre. Kahit daw wala na sa kilusan, nanatili siyang tumutulong sa mga kaibigang aktibista.

Sa bandang huli, nakumpleto ang isang ideyal na landas ng pakikibaka at pagsamba nang si Bro. Eddie ay maging lider ng ngayo'y malawak na JIL Church. Kung paanong naniniwala ako na ang kinabibilangan kong simbahan, ang Simbahang Katoliko, ay ginabayan at ginagabayan ni Bathala sa loob ng may dalawang libong taon nitong pag-iral sa kabila ng maraming pagkakamali ng ilang lider at mga kasapi nito, naniniwala rin ako na hindi magtatagumpay ang kongregasyon ni Bro. Eddie kung wala itong basbas ng Maykapal.

Sa kabila ng kanyang pagiging spiritual leader, walang balak si Bro. Eddie na labagin ang constitutional provision ng paghihiwalay ng estado at ng simbahan. Di gaya ni Gloria Arroyo na nadidiktahan ng simbahan sa isyu ng death penalty at contraceptives, pero deadma naman sa pakiusap ng Papa sa Roma sa isyu ng gyera sa Iraq, si Bro. Eddie ay may malayang pag-iisip. Kaya nga sinusuportahan siya hindi lamang ng mga born-again Christians gaya nina Piolo Pascual at Donita Rose, kundi pati ng mga Katolikong gaya ko at ng mga Muslim.

National moral transformation ang pangunahin sa plataporma ni Bro. Eddie. Mabigat na hamon ito na hindi basta-basta matutugunan ng mga pulitikong may mga interes na kailangang protektahan. Kailangan dito ang leadership by example. Naniniwala ako, kasama ang aking lakambini, na magagampanan ito ni Bro. Eddie Villaneva.

Hindi ako si Piolo Pascual, pero pareho kami ng tipong presidente: isang taong may banal na takot sa Diyos.
Ako ay para sa isang maka-Diyos at makabayang pamahalaan. Ako ay para kay Bro. Eddie Villanueva.


* * * * * * *

This article is from Peyups.com - The UP Online Community
Please include the author's name and the source of this article when copying or sending this article.