Sobrang kahirapan ang nararamdaman ngayon sa maliit na barangay namin sa Tabontabon, including my own family. Grabe, maraming pamilya ang hindi nakakakain ng tatlong beses sa isang araw. Kelan kaya mararamdaman ng mga taga-Jabong yong tinatawag na prosperity? Yong mga pananim na palay, wala pang bunga. I've talked to my father over the phone earlier today, at sinabi niya na papausbong pa lang daw ung mga butil ng palay. With the impact of El Nino sa Pilipinas, malamang na matatagalan pa na mamunga yong mga palay sa lugar namin. Nakakaawa ang mga tao. Naaalala ko ang nanay at tatay ko. Kaya nga nandito ako sa Maynila nagpupursige para makatulong sa pamilya ko.
Ang nangyayaring ito sa baryo namin ay microcosm ng nangyayari sa kabuuan ng bansa. Maraming Pilipino ang nagugutom dahil sa kahirapan. Walang pambili ng pagkain, gamot, at pangtustos sa pag-aaral ng mga anak. Anong kinabukasan ang naghihintay sa pangkaraniwang Pinoy? Heto na naman at campaign period na. Habang ang mga kandidato ay gumagastos ng milyong-milyong salapi sa mga advertisements at kampanya nila, milyong-milyong Pilipino din ang naghihirap at walang makain. Mga taong nakaupo, kelan kayo matututong tumayo? Tingnan ninyo ang tunay na kalagayan ng nakararaming Pinoy.