TO AN UNKNOWN KUYA (ORIGINAL VERSION)

Calasiao Falls in the Island of Biliran

Sa bawat yugto ng ating buhay,
Sakit at hirap ang siyang kaagapay.
Ngunit ‘pag Diyos ang Siyang maging gabay,
Kanyang papawiin hirap at gagawing tagumpay.


Sa bawat yugto ng ating buhay,
May mga taong dumarating, iba’t iba ang pakay.
Dala-dala ng iba’y pighati at lumbay,
Ang iba nama’y saya at sa Diyos ang akay.


Masarap isipin at sa pakiramdam,
Pag may kasama ka na mapagkakatiwalaan.
At nauunawaan ka sa mga kamalian,
Higit sa lahat mamahalin ka nang walang alinlangan.


O aking kaibigan na nakilala,
Saglit na panahong kami’y nagkasama.
Iyakan at tuwa, palagi ko siyang kasama,
Dalangin ko sana’y hindi na siya lumayo pa.


Pag naaalaala ko ang kaibigan kong ito,
Di mapigilang pumatak ang luha ko.
Tinuring kong kaibigan na nagbibigay-payo,
Higit sa lahat siya’y naging kuya kong totoo.


"Kuya" ang tawag ko sa kanya,
Malambing, mapagbigay at palatawa.
Mga yakap niya’y nami-miss kong talaga,
Kaya’t ‘pag naaalala ko siya, ako’y napapaluha.


Ako nama’y nagpapasalamat sa isang tao,
Na naging bahagi rin ng buhay ko.
Kung di sa kanya’y di ko makikilala ang Kuya kong ito,
Dahil din sa kanya’y marami akong natutunan sa mundong ito.


Buhay nga nama’y sadyang mapagbiro,
Mga di kanais-nais na mga pangyayari dala’y pagkatuliro.
Salamat kay Hesus na Siyang Pastor at Puno,
Tagapagbigay-aliw at lakas, Kanyang Banal na Espiritu.


Ako’y nananalangin sa Poong Maykapal,
Ibayong lakas at sigla sa kanya dumatal.
Magkalayo man kami ng Kuya kong ito ng matagal,
Dalangin ko sa kanya’y mga ninanais niya’y walang makasagabal.


Di mawawala sa isip ko’t puso,
Mga alaalang naiwan ng Kuya ko.
Masakit man isipin ang pagkakalayong ito
Handa ko itong tanggapin ‘pagkat ito ang totoo.


Kuya, kung wala na po kayo, pa’no na po ako?
Isip-bata ko’y kailan mababago?
Salamat po ng marami sa inyo,
Sa pagdating niyo po ng maaga sa buhay ko.


O Diyos na aming gabay sa lahat ng bagay,
Buhay naming tatlo sa Inyo ko po inaalay.
Pag-ibig, samahan, at pagkakaibigan na Inyo pong ibinigay,
Di ko po makakalimutan hanggang sa kabilang buhay.




October 24, 2004 Sunday
6:30 PM
Roys Internet Cafe (Old)
Tacloban City
=================================================
NEXT ARTICLE: