Karumal-dumal ang ginawang paspaslang sa umaabot 52 katao sa Ampatuan, Maguindanao. Nagdeklara na si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng state of emergency sa Maguindanao upang i-impose yong curfews at checkpoints sa nasabing lugar.
Matatandaan na papunta na sana sa COMELEC ang convoy ni Vice-Mayor Esmael Mangudadatu para mag-file ng certificate of candidacy for gubernatorial seat sa nasabing probinsya ng bigla na lang tambangan ang convoy ng tinatayang 100 armadong katao. Kasama sa convoy ay ang asawa ni Mangudadatu at dalawa nitong kapatid na babae, at ilang miyembro ng media. Swerte pa din si Mangudadatu dahil hindi siya kasama sa nasabing convoy.
Ayon sa mga nakasaksi, nakita daw ang deputy officer ng provincial office ng PNP at dalawa pang pulis at ilang bodyguards ng gobernador nung mangyari ang krimen. Ang kampo ng mga Ampatuan ang itinuturong salarin sa pangyayari. Nakakapangilabot. Malapit na naman kasi ang eleksyon at sigurado akong hindi lang ito ang mangyayari. Sumuko na sa pulisya si Mayor Andal Ampatuan, Jr. at nasa custody ng NBI sa kasalukuyan.
Ano naman kaya ang maaaring gawin ng administrasyong Arroyo? Ang pamilya Ampatuan ang tumulong kay Pangulong Arroyo noong 2004 elections ng siya ay manalo bilang Pangulo ng bansa.
Sana naman maisip ng mabuti ng lahat ng tumatakbo sa pulitika na pairalin ang batas at patas na laban. What do we expect from them kung sila mismo ay lumalabag sa karapatang pantao, mamamatay-tao, ganid at sariling interes lang pinapairal? Sana naman ay huwag silang maging uhaw sa kapangyarihan.
Sana gawin lahat ng gubyernong Arroyo ang lahat ng magagawa nito para maparusahan kung sino man ang may kagagawan sa massacre sa Maguindanao.
=====================================================
NEXT ARTICLE:
OUR VERY OWN EFREN PENAFLORIDA IS THE 2009 CNN HERO OF THE YEAR
THE HORRIBLE MAGUINDANAO MASSACRE
on Friday, November 27, 2009
Labels:
CNN,
Filipino Heroes,
Leyte,
Marlon Raquel,
Politics,
Tabontabon