Ang Tunay na Kahulugan ng Pagiging Isang Anak


Ano nga ba ang tunay na kahulugan ng pagiging isang anak? Isang napakagandang regalo ng Panginoon ang isang anak sa kanyang mga magulang. Siya ay repleksyon ng kanilang pagkatao. Kaya nga mula nang ipinanganak na ito ay nagdudulot ito ng bagong sigla at saya sa mga magulang. Ngunit paano kaya yong mga anak na isinilang sa mga magulang na walang pakialam? Marami tayong nababasa sa diyaryo at naririnig sa mga balita ng kung anu-anong hindi maganda. May isang dalagita hinalay ng sariling ama. Mayroon namang binatilyo na pinaghahampas ng dos por dos ng ama hanggang sa ito ay mawalan ng malay at mamatay. Napakasakit ang ganitong mga pangyayari. Ang mga taong inaakala mong magbibigay ng proteksyon ay sila pala ang sisira sa iyong kinabukasan. Masakit ngunit nangyayari sa totoong buhay.

Bilang isang anak ay maraming gampaning kailangan tuparin. Inaasahan ang isang anak na siyang gagabay sa kanyang mga magulang sa kanilang pagtanda. Ang lalaking anak ay inaasahang magbibigay ng proteksyon sa mga nakababatang kapatid lalo sa mga kapatid na babae. Bawat magulang ay umaasa rin na balang araw ang kanilang mga anak ay magbibigay sa kanila ng suporta pinansyal pagkatapos nilang mapagtapos sila sa pag-aaral at makakuha ng trabaho. Ilan lamang ito sa mga inaasam ng mga magulang. Hindi man ito sapilitan ngunit parang nakatatak na ito sa kulturang Pinoy. Mahalaga sa anak ang pamilya. Dito siya kumukuha ng lakas sa kabila ng mga unos na dumadating sa buhay. Atensyon ng pamilya at pagmamahal ang enerhiya ng isang anak para mabuhay sa mundong ito.

Masarap ang maging isang anak, lalo na pag ikaw ay isang tunay na anak. 
================================================================
NEXT ARTICLE:

CALL CENTER SPOOFS PART 1