May isang lalaking nagtitinda ng mani at kasoy ang pumasok sa bus na sinasakyan ko. May isang mama na nakaupo malapit sa pintuan ng bus ang bumili ng mani. Sampung piso ata yon. Binigay ng tindero yong mani at kinuha niya yong pera.Kung titingnan mo ang pisikal na kaanyuan ng mamang ito, masasabi kong medyo nakaaangat siya sa buhay. Maganda ang pants at sapatos, plantsado ang long sleeves, at nakasuot pa ng eyeglasses. Tinikman niya ang binili niyang mani. Parang hindi yata nagustuhan ng mama yong mani at gustong ibalik sa nagtitinda. Hindi na daw dapat ibalik kasi natikman na. Nang pagkasabi niyon, biglang nanggalaiti sa galit yong mama at sumigaw ng ganito, "ISA LANG NAMAN NATIKMAN KO AH!!!!!!!!!!!!!!!!!!" Pulang-pula yong mukha niya, at lahat ng mga pasahero nagulat sa lakas ng sigaw. Parang dumagundong ang langit sa pandinig ko. Kitang-kita ko yong mga veins na lumulubo sa leeg ng mama.Hehehe. Tumingin kaming lahat sa kanila. Aktong bababa yong tindero nang biglang sumigaw ulit yong mama ng "HINDI MO BA ALAM NA NBI AKO?????!!!!!!" Sabi ko sa sarili ko, e ano kung NBI siya. Yabang naman niya. Ano ang relasyon ng trabaho niya sa nangyaring insidente? Hindi ko alam kung NBI employee ba siya o NBI agent. :-D
Napakasimpleng bagay lang pero pakiwari ko'y ang tindi ng effect nun sa akin, sa mamang walang self-tempered, sa taong manininda ng mani at kasoy, at sa iba pang taong nakasaksi sa pangyayari. Maaaring may mali yong tindero. Siguro para wala nang gulo, ibinalik na lang sana niya yong maning binili ng mama. Malamang na hindi niya ini-expect na ganun ang kanyang magiging reaksyon.
Prologue:
At kinain ng mama yong maning binili niya. Hihihi.
Moral:
1. Kung ikaw ay nasa field ng customer service, kahit pa nagtitinda ka lang ng Maxx sa bangketa, treat your customers nicely. Kung may reklamo sila sa produktong kanilang binili sa inyo, ayusin agad ito.
2. Huwag maitin ang ulo. Nakadaragdag yan sa pagkulo ng lava sa Bulkan Pinatubo. Baka pumutok ang bulkan at maka-cause na naman ng lahar.
3. Masama ang maging mayabang at mapagmataas. Ibababa ng Panginoon ang sinumang mapagmataas.
============================================================
NEXT ARTICLE:
History of UP Naming Mahal