Anyway, isa sa mga sinabi ni Bob Ong ay yong sinulat ko sa taas. “Parang elevator lang yan eh, bakit mo ipagsisiksikan 'yong sarili mo kung walang pwesto para sa'yo. Eh meron namang hagdan, ayaw mo lang pansinin.” Napakasimple yong sinabi niya ngunit puno ito ng makahulugang interpretasyon. Sa literature, natutunan ko na maaari mong i-interpret ang isang pyesa in at least two ways. Yong una ay yong literal na lebel ng interpretasyon at yong pangalawa ay ung tinatawag na metaphorical. Ito ang ginamit ni Bob Ong para maisalarawan niya ang lugar ng isang tao sa buhay ng iba.
Maaaring ang tinutukoy ni Bob Ong sa sinabi niya ay patungkol sa relasyon ng dalawa o mahigit pang tao. It could refer to a love triangle, pwede ring love rectangle, o di naman kaya love pentangle. Hehehehe. Person A loves Person B, but Person B loves Person C and Person C loves Person B reciprocally. And here is Person D na may lihim na pagtingin naman kay Person A. Person A is doing everything para lang mapansin ni B but to no avail. Nakatali ang puso ni B kay C. On the other hand, D has these gestures and small kinds of deeds for A pero wa epek ito sa kanya. Argumento ni Bob Ong, bakit kailangang ipagsiksikan ni A yong sarili niya sa relasyon nina B and C? Katangahan lamang ito. Bakit hindi niya pansinin si D gayong alam naman niya na may gusto ito sa kanya? Si D ang hagdang katabi lamang ng elevator na gustong sakyan ni A ngunit puno na ito at hindi na maaari pang gamitin. Masalimuot na mga relasyon ngunit nangyayari sa totoong buhay. It causes grief to both A and D. Mga pusong unti-unting dinudurog, nagbibigay ng sobrang sakit sa puso at isip.
Kaya't sumasang-ayon ako sa argumento ni Bob Ong na huwag mo nang ipagsiksikan ang sarili mo kung wala ka nang puwang sa puso ng isang tao. Masakit ngunit kailangan mong tanggapin na 'ang buhay ay weather-weather lang.' Ayon ito kay Kuya Kim. Ibaling mo ang iyong atensyon sa iba. Malay mo, ginto pala ang nasa kaliwa mo. Ayaw mo lang pansinin. At yong kinahuhumalingan mo sa kanan ay bronze lang pala, di ba?
Alam mo bang maaari din itong mangyari sa magkakaibigan?
========================================================
NEXT ARTICLE:
INDAY JOKES PART 2