Sinu-sino ang mga bakla at tomboy sa Kongreso?


“I have been telling them, you are not under-represented… actually you are over-represented in the Lower House and Upper House.” – COMELEC Second Division Chairman Nicodemus Ferrer

Ito ang sinabi ni COMELEC Commissioner Ferrer hinggil sa isyu ng pagdiskwalipika sa Ang Ladlad, ang organisasyong nagrerepresenta sa mga Pilipinong lesbiyana, bakla, at transgender upang makasali sa 2010 elections under the party-list system.

Nagbigay ng dalawang teksto mula sa Bibliya at Q'uran  sina Ferrer at nang dalawa pang commissioners upang maging basehan nito bagay na ikinagulat ng President ng  Ang Ladlad na si Dante Remoto Tino-tolerate daw ng Ang Ladlad ang immorality kaya't hindi ito papayagan ng COMELEC. Siguro naaasiwa ang mga commissioners na ito sa mga bakla. Hehehe.

Pero nakaagaw ng pansin yong sinabi ni Ferrer na hindi daw under-represented ang mga bakla at tomboy sa Kongreso. Ibig sabihin ba nito na may mga bakla at tomboy tayong mga Kongresista at Senador? At ano naman kung meron? Hmmm. Napag-isip tuloy ako. Mukhang may alam itong si Ferrer sa mga pribadong buhay ng mga kagalang-galang na Kongresista at mga Senador.

Ang desisyong ito ng COMELEC ay mariing binatikos naman ng maka-kaliwang grupo at ilang personalidad sa gobyerno tulad nina Sen. Loren Legarda at Joker Arroyo.
==============================================
NEXT ARTICLE: